From Marianas Trench With Love: 143 Travel Hugot Lines
Remember the spoof post I did for Pinoy romance films? It was out of my inspiration to either create a screenplay or a short novel with traveling as the central theme. I also thought of original monologues and conversations among the characters. So here’s the sequel. Read the 143 of them, spread in 6 pages.
Disclaimer: All hugot lines and characters appearing in this work are fictitious. Galing sa puso pero kathang-isip lang din. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All the feelings drawn herein did not actually happen, though on some instances, the author has taken certain very small liberties of patama because that is his right as a hurting citizen of this democratic country. Haha. Daming alam.
Each reader is given the freedom to repost or to share parts of or the whole article. Tag mo pa ex mo kung gusto mo para intense. But please give a proper credit to the author. Nasaktan na nga. Nanakawan pa. Don’t recycle the entries to produce some typographic shiz and seal them with your own cartoonish avatar claiming these are yours.
But I am so willing to collaborate with calligraphy artists, photographers, voice actors, short film makers and other creative professionals who understand the feels. I am uncertain on what to do with these excess emotional baggage. Charot cake. Who knows we can turn pain into something beautiful and blockbuster, right?
Para sa mga kapwa kong travelers na merong Separation Anxiety o nauwi na sa Separate Lives by Phil Collins, eto na ultimate hugot galing pa sa Marianas Trench.
1 Tol, every weekend, umaakyat kami. Pico. Banahaw. Batulao. Pamitinan. Cristobal. Sinusuyod namin Region 4. Pero wala, friends lang kami. CaLaBaRZoned.
Wag ka ‘tol. Kami, Manalmon, Tarak, Arayat, Pinatubo, Cinco Picos. Central Luzoned.
2 Ah. Yang Halcon, ex-almost ko. Ex kasi nakaraan. Almost kasi muntikan na sa summit. Pero ang maganda sa bundok, anytime pwede mong balikan.
3 “Alam mo yang mga lamok na yan, may pinipili. Kinakagat yung spots na maiinit yung dugo. Kaya ang lamig ng Off Lotion di ba?”
Kung kasama lang natin ex ko, hindi na pala nya kelangan ng Off. Nanlamig yun eh.
4 Yung bang pusong binakal ng panahon ma-dedetect sa airport?
5 “Kalimutan mo na siya! Besides ilang months lang ba kayo?”
Eto ha, kapag umaakyat tayo ng bundok, hindi naman natin naaalala kung gaano natin katagal inaakyat eh. Mas naaalala natin yung mga oras na kasama mo siya. Ganoon ang relasyon. Ganoon kahirap makalimot.
6 May pag-asa ka. Case in point: Pinatubo. May tragic past pero look at it now. Siya pang dinanagsa ngayon. Ayusin mo yang sarili mo, dadagsain ka rin.
7 Propeller type pala ang eroplano sa Coron. May weigh-in. Dami ko pa naman emotional excess baggage.
8 I don’t want to end up like Pico de Loro monolith. Sa dinadami-dami ng nagdaan sa kanya, single na, bato pa.
9
Shit. Daming limatik. Just like how my love life sucks.
10 Wag ka pumunta sa Sagada. Sa dami ng gustong makalimot, bingi na ang Kiltepan.
11 Kahit sabay-sabay kayong sumigaw doon, hindi kayo sabay-sabay makaka-moveon. Unless pinagsabay-sabay kayo ng iisang tao.
12 Nako Friend, bago na trend ngayon sa mga bundok. Wala na ang sigaw sigaw. Dinadala ngayon ang ex. At hinuhulog na ngayon mula sa bundok.
13 Sabihin mo na kasi sa kanya na yang nararamdaman mo. Sa scuba diving, habang lumalalim, paganda nang paganda ang nakikita mo. Nawiwili ka. Pero mas lalo kang mahihirapang makaalis nyan. Makabalik.
14 Kaya wag mo ring lahatin yung hangin, kelangan mo rin magtira para sa sarili mo. Kung kelangan mo nang bumalik.
15 “Pwede kang makahanap ng branded na hiking bags sa OLX. Discounted na. Mula dun sa mga quote mountaineers unquote pero hindi na ginamit pagkatapos.”
Can I sell my feelings too on OLX because I don’t want them anymore?
16 Dapat kayong travelers na mahilig humugot, sa Spratley’s kayo pumunta! So every time nahuhugot may makukuhang oil. Pak! Para sa ekonomiya!
17 Sa Pulag kasi merong sea of clouds. Mga ulap yun. Yung dating ang hirap abutin, ngayon abot kamay ko na. Mas mataas pa ako sa mga ulap. Para akong mga bituin. Never pa akong naging star sa buhay ng iba.
18 “May sea of clouds din naman sa Daraitan ah?”
Wag kang magulo, clouded ang mind ko ngayon.
19 Pare-parehas lang yang siopao sa Binondo at sa Bicol, bola-bola. Pare-parehas lang sila.
20 Sa Bicol, nandiyan ang Mayon. Nandiyan ang mga bagyo. Pero lagi silang handa. Ready kung masaktan. Be cool. Bicol.
21 Sabi nga nila nagpapakita lang ang kabuuan ng Mayon sa mga busilak ang kalooban. Sa mga birhen. Yung isa ko ngang friend nung pumunta dito, bumagyo. Pero in fairness sa iyo, ang ganda-ganda ng cone. Ganyan ka pala katigang.
22 Ewan ko ba sa Cebu. Nung nagpasabog ng kagandahan sa Pilipinas sinalo ng mga Cebuano. Eh sa Bulacan, ako na pinasabog like fireworks, wala pang sumalo.
23 “Tuloy ba tayo kahit umuulan?”
Kapag umuulan, pwedeng umiyak. Hindi nahahalata.
24 Ingat ka sa cliff dive. Delikado ang ma-fall. Lalo na kung walang sasalo.
25 Eh sorry naman. Na-fall na ako. Pabebe eh. Di na napigilan.
26 “Malayo pa ba ang summit?”
15 minutes na lang. Sumusuko ka na ba?
Napagod lang pero hindi sumusuko.
Rest ka lang. Take your time.
Yan din binigay ko sa kanya. Time. Time to think, not time to find a new one.
27“Nilalanggam ako dito!”
At least proof yan na may sweet side ka pala, ang bitter mo sa buong trek eh.
28I need this travel.
Para mag-grow ako.
Baka kasi immature pala ako kaya iniwan nya ako.
29 Kaya pala nakakaadik umakyat ng bundok. Mapapalitan ng ibang sakit. Ng ibang pagod. Pero fulfilling.
30 Malungkot ang history ng Masskara Festival ha. Nagkaroon ng tragedy before Foundation Day. So para mapagpatuloy yung tradisyon, nagsuot na lang sila ng masasayang maskara. Di ba ganoon naman talaga? Mas madali kasing ngumiti na lang kaysa sa mag-explain kung bakit malungkot?