From Marianas Trench With Love: 143 Travel Hugot Lines

FacebookTwitterGoogle+PinterestTumblrLinkedInStumbleUponBookmark/FavoritesBlogger PostFlipboardPocketPrint

PAG-ASA

 

142 Benta updates ko sa iba
Pero sa ‘yo, wa epek aking mga
PANAMA!

Ayoko nang magmahal
All I feel
SPAIN!

Bigay-todo ako sa yo
Pero attention mo nasa
KENYA!

Hindi mo nga ako napapansin eh
Panay ka patay
MALAYSIA!

Mahal kita, Mahal mo ko
Yun ang mahalaga
Wala ng pero
PERU!

Me and you against the world
Tayong dalawa lang kahit madaming
NEPAL!

At tandaan mo ang isang pangako
Pangako, Hindi ki
TAIWAN!

Nandito lang ako
Even if I have to
KUWAIT!

Isa lang ang papalitan ko sa ‘yo
Ang inyong
SURINAME!

Ang hirap mag move on
You can’t let the feelings go nang ganoon ka
BELIZE!

Kumusta love life ko?
ICELAND!

11:11
Sana bukas mahal
MONACO!

143 Exactly four months ago when we exchanged our first hi’s. Sinabihan mo pa akong suplado sa hindi pagpansin sa iyo. Hindi lang ako maka-relate sa Kodaline, Mumford & Sons and John Bay mo.

Pero noong oras ko naman magkuwento, namangha ka kina Aurora, Sultan Kudarat at Quirino. Nakita ko sa mga mata mo kung gaano mo gustong mapuntahan sila. You’re like a child who wanted to be taken out for a weekend.

Sinimulan natin ang malalapit.

Nilatag ko ang magiging plano natin at pumayag ka. Inakyat natin ang mga bundok na hindi mo inakalang kakayanin. Naligo tayo sa kung anumang anyong tubig ang natutunan natin noong elementarya pa tayo.

Nagsisimula na tayong mapalapit.

Upang hindi mabagot sa loob ng bus, sabay nating pinakikinggan ang travel playlist na ginawa natin gamit ang iisang headset. Tinutukso na tayo ng mga kasama natin. Kako, that is so mature of them.

Unti-unti nating pinapaliit ang mundo habang dumarami ang napupuntahan natin. At unti-unti kong ninanais na maging malaking parte ng mundo mo.

Kulang ang isang araw para sa iyo. Habang ginugusto ko namang mapabilis ang panahon. I already saw you in the future and I can hardly wait for it to be our present.

Dahil kahit ang Mayon hindi nya mapipigilan ang pagsabog kung napupuno na rin ang kinikimkim nya sa loob. Inamin ko na rin sa iyo. Tahimik ka. Nakakabingi ang mga hampas ng alon sa mapuputing pinong buhangin. Tinatadtad ako pinong-pino ng katotohanan na kulang pa ako para sa iyo.

Hindi ko alam kung ano ang nauna – bumitaw ka o binitawan kita. Sabay tayong nagpatuloy sa buhay na hindi na magkasabay. Kung hindi kita kakausapin, hindi mo ako kakausapin. Sinong suplado ngayon?

Pinangako natin na pupunta tayo sa Sagada na magkasama. And now Sagada becomes the metaphor of our story.

Tatahakin mo ang Baguio.
Lalakbayin ko ang Banaue.

Kung magpapang-abot man ulit tayo sa Kiltepan o hindi na,
Kung makakasalubong kita na may kasama o wala,
Tadhana na ang magpapasiya.

Too bad, I was just your stopover.
Too bad, you became my favorite destination.

Metaphor

<< Ang Sakit Sakit