From Marianas Trench With Love: 143 Travel Hugot Lines
31 “Saan natin sisimulan ang forever natin? Sa Batanes? El Nido? Bohol?”
Sa tabi mo.
32 “Bakit may old trail and may new trail?”
Minsan gumagawa ng new trail kapag nabugbog na masyado yung old trail at kailangan ibalik yung dating vegetation nya. So new trail na lang muna.
“Ah rebound.”
33 Mahalaga dito sa flyfish eh marunong kang kumapit. Hold on lang.
34 Tignan mo yang Spoliarium ni Juan Luna. Mas maaappreciate mo when you step backward to see the bigger picture.
35 Minsan kailangan mo ring bisitahin yung Mind Museum para ipaalala sa iyo na “Konting utak naman diyan friend”
36 Yan ang problema sa Bring Me games ng Cebu Pac eh. Either nanahimik na ako tapos biglang manggugulo o ready naman na ako pero hindi naman ako nakikita. Just a freakin’ reminder kung paano ako pinaglalaruan.
37 “I-dedeclare ko ba ‘to sa Customs sa arrival?”
Nung nagdeclare ka ba ng love mo dyan sa travel buddy mo, may magandang napala ba? Wala di ba? There are things better left unsaid.
38 “Hindi ko gets yang policy ng airlines. Bawal litrong tubig pero madaming tingi tingi with the same amount pwede?”
Paunti-unti lang daw kasi. Mahirap yung isang malaking biglaan.
39Bakit ang biglaang lakad natutuloy ang biglaang pag-ibig hindi?
40 May mga pagkakataon talaga na nakakasakit na pala tayo nang hindi naman sinasadya. Tulad kanina nung ni-recline mo yung upuan mo.
41 May first class, business class and economy class pero ikaw ibang klase!
42 Hindi naman nalalayo ang pag-ibig sa travel eh. Grab your passport. Check the number of stamps on it. Sa Immigration, di ba mas pabor ang marami ng experience?
43 May mga bagay talaga habang mas napapalapit ka mas napapamahal ka… Yung presyo ng pagkain sa boarding gate. Presyo ng ticket sa travel date. Ikaw sa travel buddy mo.
44 Lagi mo kasing dalhin yang puso mo sa iyo. Huwag mo agad ibibigay. Fragile things should not be checked in. Akala ko ba expert ka na sa traveling?
45 Touchdown Puerto Princesa, who touches yours?
46 Mapipili mo yang seat mo pero yung katabi mo hindi. That makes airplane ride and love exciting.
47 Akyat na tayo please. Tangina sawang-sawa na ang tear ducts ko. Sweat glands ko naman. Kahit madamay pa ang kili-kili ko.
48 Tinatanong ka ng Tinuy-an Falls. Mahal mo pa siya. True or Falls?
49 Hindi ko sinasadya na saktan ka. Hindi ko naman alam na habang umaakyat tayo ng bundok, umaakyat ka rin ng ligaw. Sorry kung naligaw kita.
50 Hirap ako makaremember ng provinces and capitals ng Philippines noon sa exam. Pero ngayon isang tao lang, hirap na hirap pa kong kalimutan.
51Tip lang ha. Book now. Travel later. Dahil pag mas malapit, mas napapamahal ka, kahit one-way lang.